43 Elon, Timnah, Ekron,
44 Elteke, Gibeton, Baalat,
45 Jehud, Bene Berak, Gat Rimon,
46 Me Jarkon at Rakon, pati rin ang lupain na nakaharap sa Jopa.
47 Nahirapan ang mga lahi ni Dan sa pag-agaw ng lupain nila, kaya nilusob nila ang Leshem at pinatay ang mga naninirahan dito. Naagaw nila ito at doon sila tumira. Pinalitan nila ang pangalan nito ng Dan ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan.
48 Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Dan na hinati ayon sa bawat sambahayan.
49 Pagkatapos hatiin ng mga Israelita ang lupain nila, binigyan nila si Josue na anak ni Nun ng bahagi niya.