5 Ziklag, Bet Marcabot, Hazar Susa,
6 Bet Lebaot at Sharuhen – 13 bayan kasama ang mga baryo sa paligid nito.
7 Dagdag pa rito ang Ayin, Rimon, Eter at Ashan – 4 na bayan, kasama ang lahat ng mga baryo sa paligid nito,
8 hanggang sa Baalat Beer (na siyang Rama) sa Negev.Ito ang lupaing natanggap ng lahi ni Simeon na hinati-hati ayon sa bawat sambahayan.
9 Ang ibang bahagi ng lupang ito ay galing sa parte ng lahi ni Juda dahil ang ibinigay sa kanila ay sobrang maluwang para sa kanila. Kaya natanggap ng lahi ni Simeon ang kanilang lupain sa gitna ng lupain ng lahi ni Juda.
10 Ang ikatlong pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Zebulun.Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Sarid.
11 Mula roon, papunta ito sa kanluran: sa Marala, sa Dabeshet, at patuloy sa daluyan ng tubig sa silangan ng Jokneam.