30 At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat.
31 Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”
32 “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.
33 Ngunit ang sinumang ikahiya ako sa harap ng mga tao ay ipapahiya ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit.”
34 “Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan.
35 Naparito ako upang paglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae.
36 At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay.