23 Namangha ang lahat at sinabi nila, “Ito na kaya ang Anak ni David?”
24 Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo.”
25 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, “Ang bawat kahariang nahahati at naglalaban-laban ay babagsak, at alinmang bayan o sambahayang naglalaban-laban ay mawawasak.
26 Kaya't kung si Satanas ang nagpapalayas kay Satanas, kinakalaban niya ang kanyang sarili! Kung gayon, paano pa niya mapapanatili ang kanyang kaharian?
27 Kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul, kaninong kapangyarihan naman nagpapalayas ng demonyo ang inyong mga tagasunod? Ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na maling-mali kayo.
28 Ngunit kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos.
29 “Hindi mapapasok ang bahay ng isang taong malakas kung hindi muna siya gagapusin. Kung nakagapos na siya, saka pa lamang malolooban ang bahay niya.