12 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.
13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinhaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man.
14 Natutupad nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi,‘Makinig man kayo nang makinig subalit hindi ninyo mauunawaan kailanman,at tumingin man kayo nang tumingin subalit hindi rin kayo makakakita kailanman.
15 Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito;mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,at ipinikit nila ang kanilang mga mata,kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata,nakarinig ang kanilang mga tainga,nakaunawa ang kanilang mga isip,at nagbalik-loob sila sa akin,at pinagaling ko sila.’
16 “Subalit mapalad kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga!
17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”
18 “Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga tungkol sa manghahasik.