15 Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito;mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,at ipinikit nila ang kanilang mga mata,kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata,nakarinig ang kanilang mga tainga,nakaunawa ang kanilang mga isip,at nagbalik-loob sila sa akin,at pinagaling ko sila.’
16 “Subalit mapalad kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga!
17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”
18 “Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga tungkol sa manghahasik.
19 Kapag ang isang tao ay dumirinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan.
20 “Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong dumirinig ng mensahe. Kaagad at masaya niya itong tinanggap
21 ngunit hindi tumimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nanatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.