35 Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta:“Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinhaga,ihahayag ko ang mga bagay na nalilihim mula pa nang likhain ang daigdig.”
36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, “Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid.”
37 Sumagot si Jesus, “Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao,
38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama.
39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel.
40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig.
41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama.