16 “Hindi na sila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila,” sabi ni Jesus.
17 Sumagot sila, “Wala po tayong pagkain kundi limang tinapay lamang at dalawang isda.”
18 “Dalhin ninyo rito,” sabi niya.
19 Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao.
20 Nakakain at nabusog ang lahat. Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing ng tinapay.
21 May limanlibong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
22 Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo. Samantala, pinauwi naman niya ang mga tao.