1 Lumapit kay Jesus ang ilang Pariseo at Saduseo. Upang siya'y subukin, humingi sila sa kanya ng isang himala mula sa langit.
2 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag dapit-hapon ay sinasabi ninyo, ‘Magiging maganda ang panahon bukas dahil maaliwalas ang langit.’
3 At kapag umaga nama'y sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon dahil madilim ang langit.’ Nakakabasa kayo ng palatandaan sa langit, ngunit hindi ninyo mabasa ang mga palatandaan ng kasalukuyang panahon.
4 Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap kayo ng palatandaan, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Jonas!”Pagkatapos nito, umalis si Jesus.