10 Gayundin ang pitong tinapay para sa apat na libo! Ilang kaing na tinapay ang lumabis?
11 Hindi tungkol sa tinapay ang sinasabi ko nang sabihin ko sa inyong mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo at mga Saduseo! Hindi ba ninyo maunawaan ito?”
12 At naunawaan nila na sila'y pinag-iingat niya sa mga katuruan ng mga Pariseo at mga Saduseo, at hindi sa pampaalsang ginagamit sa tinapay.
13 Nang dumating si Jesus sa bayan ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Ano ang sinasabi ng mga tao patungkol sa Anak ng Tao?”
14 At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan kayo si Juan na Tagapagbautismo. Sabi po naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong kayo si Jeremias, o isa sa mga propeta.”
15 Tinanong ulit sila ni Jesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?”
16 Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.”