11 “Si Jesus, ang propetang taga-Nazaret sa Galilea,” sagot ng karamihan.
12 Pumasok si Jesus sa Templo at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagbibili at namimili roon. Ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga namamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati.
13 Sinabi niya, “Sinasabi sa Kasulatan,‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.’Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
14 Habang si Jesus ay nasa Templo, lumapit sa kanya ang mga bulag at mga pilay, at sila'y kanyang pinagaling.
15 Nagalit ang mga punong pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa niya at marinig ang mga batang sumisigaw sa loob ng Templo ng, “Purihin ang Anak ni David!”
16 Sinabi nila kay Jesus, “Di mo ba naririnig ang sinasabi nila?”“Naririnig ko!” tugon ni Jesus. “Bakit? Hindi pa ba ninyo nababasa ang ganitong pangungusap sa kasulatan: ‘Pinalabas mo sa bibig ng mga sanggol at ng mga pasusuhin ang wagas na papuri?’”
17 Iniwan sila ni Jesus at lumabas siya ng lunsod papuntang Bethania. Doon siya nagpalipas ng gabi.