3 Kapag may nagtanong sa inyo, sabihin ninyong kailangan iyon ng aming Panginoon at ipapaubaya niya agad ang mga iyon sa inyo.”
4 Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta:
5 “Sa lunsod ng Zion ay ipahayag ninyo,‘Tingnan mo, ang hari mo'y dumarating.Siya'y mapagpakumbabá; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno,at sa isang batang asno na anak ng isang babaing asno.’”
6 Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Jesus.
7 Dinala nila kay Jesus ang inahing asno at ang anak nito, at isinapin sa likod ng mga ito ang kanilang balabal. Pagkatapos, sumakay dito si Jesus.
8 Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; mayroon namang pumutol ng mga sanga ng kahoy at ito'y inilatag sa daan.
9 Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya. Sigaw nila, “Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!”