34 Nang dumating ang panahon ng pitasan ng ubas, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga tauhan upang kunin sa mga katiwala ang kanyang kaparte.
35 Ngunit sinunggaban ng mga katiwala ang mga tauhan; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo.
36 Pinapunta uli ng may-ari ang mas marami pang tauhan ngunit ganoon din ang ginawa ng mga katiwala sa mga ito.
37 Sa kahuli-huliha'y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. Sabi niya sa sarili, ‘Marahil nama'y igagalang nila ang aking anak.’
38 Ngunit nang makita ng mga katiwala ang anak, sila'y nag-usap-usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin siya upang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’
39 Kaya't siya'y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.”
40 At tinanong sila ni Jesus, “Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga taong iyon?”