5 “Sa lunsod ng Zion ay ipahayag ninyo,‘Tingnan mo, ang hari mo'y dumarating.Siya'y mapagpakumbabá; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno,at sa isang batang asno na anak ng isang babaing asno.’”
6 Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Jesus.
7 Dinala nila kay Jesus ang inahing asno at ang anak nito, at isinapin sa likod ng mga ito ang kanilang balabal. Pagkatapos, sumakay dito si Jesus.
8 Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; mayroon namang pumutol ng mga sanga ng kahoy at ito'y inilatag sa daan.
9 Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya. Sigaw nila, “Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!”
10 Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lunsod. “Sino kaya ito?” tanong nila.
11 “Si Jesus, ang propetang taga-Nazaret sa Galilea,” sagot ng karamihan.