19 Ipakita ninyo sa akin ang isang salaping pambuwis.”At ipinakita nga nila ang isang salaping pilak.
20 “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit diyan?” tanong ni Jesus.
21 “Sa Emperador po,” tugon nila.Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa kanya, at sa Diyos ang para sa Diyos.”
22 Namangha sila nang marinig ito, at sila'y umalis.
23 Nang araw ding iyon, may lumapit kay Jesus na ilang Saduseo. Ang mga ito ay hindi naniniwalang muling mabubuhay ang mga patay.
24 Sinabi nila, “Guro, itinuro po ni Moises na kung mamatay na walang anak ang isang lalaki, ang kanyang kapatid ay dapat pakasal sa nabiyuda upang magkaanak sila para sa namatay.
25 Noon po'y may pitong magkakapatid na lalaki rito sa amin. Nag-asawa ang panganay at namatay siyang walang anak, kaya't ang kanyang asawa ay pinakasalan ng kanyang kapatid.