33 Nang marinig ito ng mga tao, namangha sila sa kanyang katuruan.
34 Nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo.
35 Isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusang Judio, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito.
36 “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya.
37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.
38 Ito ang pinakamahalagang utos.
39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.