37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.
38 Ito ang pinakamahalagang utos.
39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”
41 Tinanong naman ni Jesus ang mga Pariseong nagkakatipon doon.
42 “Ano ang pagkaalam ninyo tungkol sa Cristo? Kanino siyang anak?”“Kay David po,” sagot nila.
43 Sabi ni Jesus, “Kung gayon, bakit siya tinawag ni David na ‘Panginoon’ nang nasa kanya ang Espiritu? Ganito ang kanyang sinabi,