38 Ito ang pinakamahalagang utos.
39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.
40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”
41 Tinanong naman ni Jesus ang mga Pariseong nagkakatipon doon.
42 “Ano ang pagkaalam ninyo tungkol sa Cristo? Kanino siyang anak?”“Kay David po,” sagot nila.
43 Sabi ni Jesus, “Kung gayon, bakit siya tinawag ni David na ‘Panginoon’ nang nasa kanya ang Espiritu? Ganito ang kanyang sinabi,
44 ‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon:Maupo ka sa kanan ko,hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’