10 at ginamit ito upang bilhin ang bukid ng isang magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.”
11 Iniharap si Jesus sa gobernador at siya'y tinanong nito, “Ikaw nga ba ang Hari ng mga Judio?”Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang may sabi.”
12 Ngunit nang paratangan siya ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan, hindi siya umimik.
13 Kaya't sinabi sa kanya ni Pilato, “Hindi mo ba narinig ang paratang nila laban sa iyo?”
14 Ngunit hindi pa rin siya umimik kaya't labis na nagtaka ang gobernador.
15 Nakaugalian na ng gobernador na tuwing Paskwa ay magpalaya ng isang bilanggo na hinihiling ng taong-bayan.
16 Si Jesus Barabbas ay isang kilalang bilanggo noon.