16 Si Jesus Barabbas ay isang kilalang bilanggo noon.
17 Nang magkatipon ang mga tao ay tinanong sila ni Pilato, “Sino ang ibig ninyong palayain ko, si Jesus Barabbas, o si Jesus na tinatawag na ‘Cristo’?”
18 Alam ni Pilato na naiinggit lamang sila kaya nila isinakdal si Jesus.
19 Bukod dito, nang si Pilato ay nakaupo sa hukuman, nagpasabi ang kanyang asawa, “Huwag kang makialam sa taong iyan. Wala siyang kasalanan. Ngayon ay pinapahirapan ako ng aking panaginip tungkol sa kanya.”
20 Ang mga tao nama'y sinulsulan ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan na hilingin kay Pilato na si Barabbas ang palayain at si Jesus ay ipapatay.
21 Muli silang tinanong ng gobernador, “Sino sa dalawa ang nais ninyong palayain ko?”“Si Barabbas!” sigaw ng mga tao.
22 Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Jesus, na tinatawag na Cristo?”At sumagot ang lahat, “Ipako siya sa krus!”