2 Kaya siya'y iginapos nila at dinala kay Pilato na siyang gobernador doon.
3 Nang makita ni Judas na si Jesus ay nahatulang mamatay, nagsisi siya at isinauli sa mga punong pari at mga pinuno ng bayan ang tatlumpung pirasong pilak.
4 Sinabi niya, “Nagkasala ako! Ipinagkanulo ko ang dugo ng taong wala ni anumang bahid ng kasalanan.”“Ano ang pakialam namin sa iyo? Bahala ka sa buhay mo!” sagot nila.
5 Inihagis ni Judas sa loob ng Templo ang tatlumpung pirasong pilak, at pagkaalis doon, siya'y nagbigti.
6 Pinulot ng mga punong pari ang mga pirasong pilak. Sinabi nila, “Labag sa Kautusan na ilagay ang salaping ito sa kabang-yaman ng Templo sapagkat bayad ito sa buhay ng isang tao.”
7 Nagkaisa sila na ang salaping iyon ay ibili ng bukid ng isang magpapalayok, upang gawing libingan ng mga dayuhan.
8 Mula noon hanggang sa panahong ito, ang bukid na iyon ay tinawag na “Bukid ng Dugo.”