20 Ang mga tao nama'y sinulsulan ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan na hilingin kay Pilato na si Barabbas ang palayain at si Jesus ay ipapatay.
21 Muli silang tinanong ng gobernador, “Sino sa dalawa ang nais ninyong palayain ko?”“Si Barabbas!” sigaw ng mga tao.
22 Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Jesus, na tinatawag na Cristo?”At sumagot ang lahat, “Ipako siya sa krus!”
23 “Bakit? Ano ang nagawa niyang masama?” tanong ni Pilato.Ngunit lalo pang lumakas ang kanilang sigawan, “Ipako siya sa krus!”
24 Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at malamang pa'y magkagulo, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa dugo ng taong ito. Ito'y pananagutan ninyo!” sabi niya.
25 Sumagot naman ang mga tao, “Pananagutan namin at ng aming mga anak ang dugo niya.”
26 Pinalaya nga ni Pilato si Barabbas at ipinahagupit naman si Jesus. Pagkatapos, ibinigay siya sa kanila upang ipako sa krus.