1 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad
2 at sila'y tinuruan niya.
3 “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
4 “Mapalad ang mga nagdadalamhati,sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
5 “Mapalad ang mga mapagpakumbabá,sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
6 “Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran,sapagkat sila'y bubusugin.
7 “Mapalad ang mga mahabagin,sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.