3 “Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos,sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit.
4 “Mapalad ang mga nagdadalamhati,sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
5 “Mapalad ang mga mapagpakumbabá,sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
6 “Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran,sapagkat sila'y bubusugin.
7 “Mapalad ang mga mahabagin,sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.
8 “Mapalad ang mga may malinis na puso,sapagkat makikita nila ang Diyos.
9 “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.