15 At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga may dalang Magandang Balita!”
16 Ngunit hindi lahat ay tumanggap sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?”
17 Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
18 Subalit ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y nakapakinig! Sapagkat nasusulat,“Abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig.”
19 Ito pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel? Noon pa man ay sinabi na ni Moises,“Gagamitin ko ang mga taong di man lamang isang bansaupang kayo'y inggitin,gagamitin ko ang isang bansang hangalupang kayo'y galitin.”
20 Buong tapang namang ipinahayag ni Isaias,“Natagpuan ako ng mga hindi naghahanap sa akin.Nagpahayag ako sa mga hindi nag-uusisa tungkol sa akin.”
21 Subalit tungkol naman sa Israel ay sinabi niya,“Buong maghapong nakaunat ang aking mga kamaysa isang bansang suwail at rebelde!”