18 Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.
19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”
20 Subalit, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”
21 Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.