1 Itinatagubilin ko sa inyo ang ating kapatid na si Febe, na isang tagapaglingkod ng iglesya sa Cencrea.
2 Tanggapin ninyo siya alang-alang sa Panginoon, gaya ng nararapat nating gawin bilang magkakapatid. Tulungan ninyo siya sa anumang pangangailangan niya sapagkat marami siyang natulungan, at ako'y isa sa mga iyon.
3 Ikumusta ninyo ako kina Priscila at Aquila na mga kamanggagawa ko kay Cristo Jesus.
4 Itinaya nila ang kanilang sarili sa panganib upang iligtas ang aking buhay, at hindi lamang ako ang nagpapasalamat sa kanila, pati na rin lahat ng iglesya ng mga Hentil.
5 Ikumusta rin ninyo ako sa iglesyang nagtitipon sa kanilang bahay.Ipaabot din ninyo ang aking pangungumusta sa mahal kong kaibigang si Epeneto na siyang unang sumampalataya kay Cristo doon sa Asia.