10 Ikumusta din ninyo ako kay Apeles na subok ang katapatan kay Cristo, sa pamilya ni Aristobulo,
11 sa kababayan kong si Herodion, at sa mga kapatid sa Panginoon sa sambahayan ni Narciso.
12 Gayundin kina Trifena at Trifosa na mga lingkod ng Panginoon, at sa mahal kong kaibigang si Persida, na tapat na naglingkod sa Panginoon.
13 Binabati ko rin si Rufo na magiting na lingkod ng Panginoon, at ang kanyang ina na para ko na ring ina;
14 gayundin sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at sa mga kapatid na kasama nila.
15 Binabati ko rin sina Filologo, Julia, Nereo at ang kanyang kapatid na babae; gayundin si Olimpas at sa lahat ng kapatid na kasama nila.
16 Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.