18 Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod para kay Cristo na Panginoon natin, kundi para sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap.
19 Kahit na balitang-balita ang inyong pagkamasunurin kay Cristo, nais kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti, at maging mangmang sa mga bagay na masama.
20 Ang Diyos ang bukal ng kapayapaan. Malapit na niyang pasukuin sa inyo si Satanas.Pagpalain kayo ng ating Panginoong Jesus.
21 Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa, gayundin ng mga kababayan kong sina Lucio, Jason at Sosipatro.
22 Akong si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati rin sa inyo sa pangalan ng Panginoon.
23-24 Kinukumusta kayo ni Gaius na tinutuluyan ko; sa bahay niya nagtitipon ang buong iglesya. Kinukumusta rin kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lunsod, at ng ating kapatid na si Cuarto.
25 Purihin ang Diyos na makakapagpatibay sa inyong pananampalataya sa pamamagitan ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo na ipinapangaral ko. Ang Magandang Balitang iyan ay isang hiwagang nalihim sa loob ng mahabang panahon,