2 Kung pinawalang-sala siya ng Diyos dahil sa mga mabubuting nagawa niya, may maipagmamalaki sana siya. Ngunit wala siyang maipagmalaki sa paningin ng Diyos.
3 Ano ang sinasabi ng kasulatan? “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos; at dahil dito, siya ay itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid.”
4 Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi itinuturing na kaloob, kundi kabayaran.
5 Ngunit ang hindi nananalig sa sariling mga gawa kundi sumasampalataya sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya.
6 Kaya't tinawag ni David na mapalad ang taong itinuring na matuwid ng Diyos nang di dahil sa sarili nitong nagagawa. Sinabi niya,
7 “Mapalad ang mga taong pinatawad na ang kasalanan,at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang.
8 Mapalad ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoonsa kanyang mga kasalanan.”