4 Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi itinuturing na kaloob, kundi kabayaran.
5 Ngunit ang hindi nananalig sa sariling mga gawa kundi sumasampalataya sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya.
6 Kaya't tinawag ni David na mapalad ang taong itinuring na matuwid ng Diyos nang di dahil sa sarili nitong nagagawa. Sinabi niya,
7 “Mapalad ang mga taong pinatawad na ang kasalanan,at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang.
8 Mapalad ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoonsa kanyang mga kasalanan.”
9 Ang pagpapala kayang ito'y para lamang sa mga tuli? Hindi! Ito'y para rin sa mga di-tuli. Sinasabi natin batay sa Kasulatan na itinuring na matuwid ng Diyos si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.
10 Kailan iyon nangyari? Bago siya tinuli, o pagkatapos? Bago siya tinuli, at hindi pagkatapos.