1 Ako'y nagsasabi ng totoo sapagkat ako'y tagasunod ni Cristo. Hindi ako nagsisinungaling. Ang aking budhi, sa patnubay ng Espiritu Santo, ay nagpapatunay na nagsasabi ako ng totoo.
2 Matindi ang aking kalungkutan at di mapawi ang pagdaramdam ng aking puso,
3 dahil sa mga kalahi kong Judio. Mas mamatamisin ko pang ako'y sumpain at mawalay kay Cristo, kung ito'y sa ikabubuti nila.
4 Sila'y mga Israelita na binigyan ng Diyos ng karapatang maging mga anak niya. Ipinakita rin niya sa kanila ang kanyang kaluwalhatian. Sa kanila nakipagtipan ang Diyos. Sa kanila rin ibinigay ang Kautusan, ang tunay na pagsamba, at ang kanyang mga pangako.
5 Sa kanila rin nagmula ang mga patriyarka, at tungkol sa kanyang pagiging tao, si Cristo ay nagmula sa kanilang lahi. Ang Kataas-taasang Diyos ay purihin magpakailanman! Amen.