22 Kaya, kahit nais nang ipakita noon ng Diyos ang kanyang poot at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, buong tiyaga pa rin niyang pinagtiisan ang mga taong dapat sana'y parusahan at lipulin.
23 Ginawa niya iyon upang ipakilala ang kanyang walang kapantay na kadakilaan sa mga taong kanyang kinahabagan, na noong una pa'y inihanda na niya para sa kaluwalhatian.
24 Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil.
25 Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas,“Ang dating hindi ko bayanay tatawaging ‘Bayan ko,’at ang dating hindi ko mahalay tatawaging ‘Mahal ko.’
26 At sa mga sinabihang ‘Kayo'y hindi ko bayan,’sila'y tatawaging mga anak ng Diyos na buháy.”
27 Ito naman ang ipinahayag ni Isaias tungkol sa Israel, “Kahit na maging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga anak ni Israel, kaunti lamang sa kanila ang maliligtas.
28 Sapagkat mahigpit at mabilis na hahatulan ng Panginoon ang daigdig.”