24 Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil.
25 Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas,“Ang dating hindi ko bayanay tatawaging ‘Bayan ko,’at ang dating hindi ko mahalay tatawaging ‘Mahal ko.’
26 At sa mga sinabihang ‘Kayo'y hindi ko bayan,’sila'y tatawaging mga anak ng Diyos na buháy.”
27 Ito naman ang ipinahayag ni Isaias tungkol sa Israel, “Kahit na maging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga anak ni Israel, kaunti lamang sa kanila ang maliligtas.
28 Sapagkat mahigpit at mabilis na hahatulan ng Panginoon ang daigdig.”
29 Si Isaias din ang nagsabi, “Kung ang Makapangyarihang Panginoon ay hindi nagtira ng ilan sa ating lahi, tayo sana'y natulad sa Sodoma at Gomorra.”
30 Ano ngayon ang masasabi natin? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging kalugud-lugod sa Diyos ay pinawalang-sala niya sa pamamagitan ng pananampalataya.