27 Ito naman ang ipinahayag ni Isaias tungkol sa Israel, “Kahit na maging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga anak ni Israel, kaunti lamang sa kanila ang maliligtas.
28 Sapagkat mahigpit at mabilis na hahatulan ng Panginoon ang daigdig.”
29 Si Isaias din ang nagsabi, “Kung ang Makapangyarihang Panginoon ay hindi nagtira ng ilan sa ating lahi, tayo sana'y natulad sa Sodoma at Gomorra.”
30 Ano ngayon ang masasabi natin? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging kalugud-lugod sa Diyos ay pinawalang-sala niya sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 Ngunit ang Israel naman, na nagsikap na maging kalugud-lugod sa Diyos sa pamamagitan ng kautusan, ay nabigo.
32 Bakit? Dahil sinikap nilang kalugdan sila ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. Natisod sila sa batong katitisuran,
33 tulad ng nasusulat,“Tingnan ninyo, naglalagay ako sa Zion ng batong katitisuran,isang malaking bato na kanilang kadadapaan.Ngunit ang sumasampalataya sa batong ito ay di mabibigo.”