24 Nang lumaki na si Samuel, dinala siya ng kanyang ina sa bahay ni Yahweh sa Shilo. Nagdala pa siya ng isang torong tatlong taon, limang salop ng harina at alak na nakalagay sa sisidlang balat.
25 Matapos ihandog ang baka, dinala nila kay Eli ang bata.
26 Sinabi ni Ana, “Kung natatandaan ninyo, ako po ang babaing nakita ninyong nakatayo rito noon at nanalangin kay Yahweh.
27 Hiniling ko sa kanya na ako'y pagkalooban ng anak at binigyan nga niya ako.
28 Kaya naman po inihahandog ko siya kay Yahweh upang maglingkod sa kanya habang buhay.”Pagkatapos nito, sinamba nila si Yahweh.