49 Ito ang mga anak ni Saul: ang tatlong lalaki ay sina Jonatan, Isui at Melquisua; ang mga babae nama'y sina Merab at Mical.
50 Ang asawa ni Saul ay si Ahinoam na anak ni Ahimaaz. Ang pinuno ng kanyang hukbo ay si Abner na anak ng tiyo niyang si Ner
51 na kapatid ng ama niyang si Kish at anak naman ni Abiel.
52 Sa buong panahon ng paghahari ni Saul, naging mahigpitan ang labanan nila ng mga Filisteo. Kaya lahat ng lalaking makita niyang matapang at malakas ay isinasama niya sa kanyang hukbo.