1 Ganito ang naging panalangin ni Ana:“Pinupuri kita, Yahwehdahil sa iyong kaloob sa akin.Aking mga kaaway, ngayo'y aking pinagtatawanan,sapagkat iniligtas mo ako sa lubos na kahihiyan.
2 “Si Yahweh lamang ang banal.Wala siyang katulad,walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.
3 Walang maaaring magyabang sa iyo, Yahweh,walang maaaring maghambog,sapagkat alam mo ang lahat ng bagay,ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.
4 Ginapi mo ang mga makapangyarihan,at pinapalakas ninyo ang mahihina.
5 Kaya't ang dating mayayaman ay nagpapaupa para may makain.Masagana ngayon ang dating maralita.Nagsilang ng pito ang dating baog,at ang maraming anak ngayo'y nalulungkot.
6 Ikaw, O Yahweh, ang may kapangyarihang magbigay o bumawi ng buhay.Maaari mo kaming itapon sa daigdig ng mga patay, at maaari ring buhayin muli.
7 Maaari mo kaming payamanin o paghirapin,maaari ring ibaba o itaas.