1 Sa pamamahala ni Eli, si Samuel ay patuloy na naglingkod kay Yahweh. Nang panahong iyon, bihira nang magpahayag si Yahweh at bihira na rin ang mga pangitaing galing sa kanya.
2 Malabo na noon ang mata ni Eli. Minsan, natutulog siya sa kanyang silid.
3 Si Samuel ay natutulog naman sa santuwaryo, kung saan naroroon din ang Kaban ng Tipan. Bago magmadaling-araw at may sindi pa ang ilawan sa santuwaryo,
4 siya'y tinawag ni Yahweh, “Samuel, Samuel!”“Narito po ako,” sagot niya.