1 Ikatlong araw na nang sina David ay makabalik sa Ziklag. Samantalang wala sila, lumusob ang mga Amalekita at sinunog ang buong bayan.
2 Wala silang pinatay isa man ngunit binihag nila ang mga babae, matanda't bata.
3 Nang dumating nga sina David, sunog na ang buong bayan at wala ang kani-kanilang asawa't mga anak.
4 Dahil dito, hindi nila mapigilan ang paghihinagpis; nag-iyakan sila hanggang sa mapagod sa kaiiyak.