1 Ito ang mga katuruan ng Mangangaral, ang anak ni David na hari ng Israel.
2 “Napakawalang kabuluhan! Napakawalang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral.
3 Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito.Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito?
4 Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig.
5 Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan.
6 Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga, buong araw na paikut-ikot.
7 Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit hindi ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan.