3 Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito.Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito?
4 Patuloy ang pagpapalit-palit ng mga lahi ngunit hindi nagbabago ang daigdig.
5 Ang araw ay patuloy sa pagsikat at patuloy sa paglubog; pabalik-balik lang sa pinanggalingan.
6 Ang hangin ay umiihip patungong timog, papuntang hilaga, buong araw na paikut-ikot.
7 Lahat ng tubig ay umuuwi sa dagat ngunit hindi ito napupuno. Ang tubig ay bumabalik sa batis na pinagmulan upang muling umagos patungong karagatan.
8 Ang lahat ng bagay ay nakababagot, hindi makayanang ipaliwanag. Walang sawa ang paningin ng tao; walang tigil ang kanyang pakinig.
9 Ang naganap noon ay nangyayari rin ngayon. Ang mga nagawa noon ay nagagawa rin ngayon; walang bagong pangyayari sa mundong ito.