19 Sumagot si Acsa, “Bigyan mo po ako ng makukunan ng tubig, sapagkat lupang tigang ang ibinigay mo sa akin.” Kaya't ibinigay sa kanya ni Caleb ang mga bukal sa gawing itaas at sa gawing ibaba.
20 Ito ang mga lupaing napapunta sa lipi ni Juda, at pinaghati-hatian ng mga angkang bumubuo ng lipi.
21 Ang mga lunsod na nasa kadulu-duluhang timog, sa may hangganan ng Edom ay ang Cabzeel, Eder at Jagur;
22 Cina, Dimona at Adada;
23 Kades, Hazor at Itnan;
24 Zif, Telem at Bealot;
25 Hazor-hadata, Kiryot-hesron (na tinatawag ding Hazor);