1-6 Ito ang matataas na opisyal ni Solomon nang siya'y hari ng buong Israel:Pari: Azariah na anak ni ZadokKalihim ng Pamahalaan:Elihoref at Ahias na mga anak ni SisaTagapag-ingat ng mga Kasulatan:Jehoshafat na anak ni AhiludPinakamataas na pinuno ng hukbo:Benaias na anak ni JoiadaMga Pari: Zadok at AbiatarTagapamahala sa mga punong-lalawigan:Azarias na anak ni NatanTagapayo ng Hari:Ang paring si Zabud na anak ni NatanKatiwala sa palasyo: AhisarTagapangasiwa sa sapilitang paggawa:Adoniram na anak ni Abda
7 Naglagay din si Solomon ng labindalawang punong-lalawigan. Bawat buwan, isa sa kanila ang nag-iipon at nagpapadala ng pagkain para sa hari at kanyang sambahayan.
8 Ito ang kanilang mga pangalan: si Benhur, sa kabundukan ng Efraim;
9 si Ben-dequer ang sa Macaz, Saalbim, Beth-semes, at Elon-behanan;
10 si Ben-hessed, sa Arubot; sa kanya rin ang Socoh at ang buong lupain ng Hefer.
11 Sa kataasan ng Dor, si Ben-abinadab, na manugang ni Solomon—asawa ni Tafath.
12 Si Baana, anak ni Ahilud, ang sa Taanac at Megido, kabila ng Jokneam. Sakop din niya ang buong Beth-sean sa ibaba ng Jezreel, buhat sa Beth-sean hanggang sa Abel-mehola na nasa tabi ng Zaretan.