9 Walang ibang laman ang Kaban kundi ang dalawang tapyas ng batong inilagay roon ni Moises noong sila'y nasa Sinai. Ito ang mga tapyas ng batong kinasusulatan ng kasunduang ginawa ni Yahweh sa bayang Israel noong umalis sila sa lupain ng Egipto.
10 Pagkalabas ng mga pari, ang Templo'y napuno ng ulap;
11 kaya't hindi sila makapagpatuloy ng gawain sa loob. Ang Templo'y napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh.
12 Kaya't sinabi ni Solomon:“O Yahweh, kayo ang naglagay ng araw sa langit,ngunit minabuti ninyong manirahan sa makapal na ulap.
13 Ipinagtayo ko kayo ng isang kahanga-hangang Templo,isang bahay na titirhan ninyo habang panahon.”
14 Pagkatapos, humarap si Solomon sa buong bayan at sila'y binasbasan.
15 Wika niya, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Tinupad niya ang kanyang pangako kay David na aking ama. Sinabi niya noon,