1 Ang matalinong anak ay ligaya ng magulang,ngunit tinik sa dibdib ang anak na mangmang.
2 Ang yamang buhat sa masama ay di papakinabangan,ngunit ang katuwiran ay maglalayo sa kamatayan.
3 Ang matuwid ay binibigyan ni Yahweh ng kasiyahan,ngunit ang masama'y kanyang ginugutom naman.
4 Ang kamay na tamad ay tiyak na magdarahop,ngunit magbubunton ng yaman ang kamay na masinop.
5 Ang nag-iimbak kung tag-araw ay nagpapakilala ng katalinuhan,ngunit ang natutulog kung anihan ay nag-iipon ng kahihiyan.