1 Hawak ni Yahweh ang isip ng isang hariat naibabaling niya ito kung saan igawi.
2 Ang akala ng tao lahat ng kilos niya'y wasto,ngunit si Yahweh lang ang nakakasaliksik ng puso.
3 Higit na kalugud-lugod kay Yahweh kaysa mga handogang mga gawang makatuwiran at makatarungan.
4 Ugaling mapangmata at pusong mapagyabang,ito ang siyang gabay ng mga makasalanan.
5 Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan,ngunit ang dalus-dalos na paggawa'y walang kahihinatnan.
6 Ang pagkakamal ng salapi dahil sa kadayaanay maghahatid sa maagang kamatayan.
7 Ang masama'y ipinapahamak ng sariling karahasan,pagkat ayaw gawin ang talagang katuwiran.
8 Ang landas ng may sala ay paliku-liko,ngunit ang lakad ng matuwid ay laging wasto.
9 Masarap pa ang tumira sa bubungan ng bahaykaysa sa loob ng bahay na ang kasama'y asawang madaldal.
10 Ang isip ng masama'y lagi sa kalikuan,kahit na kanino'y walang pakundangan.
11 Parusahan mo ang mangungutya at matututo ang mangmang,pagsabihan mo ang matino, lalong lalawak ang kanyang kaalaman.
12 Alam ng Diyos ang nangyayari sa loob ng bahay ng masama,at siya'y gumagawa ng paraan upang sila'y mapariwara.
13 Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap,daraing din balang araw ngunit walang lilingap.
14 Kung ang kapwa mo ay may hinanakit,regaluhan mo nang palihim, mawawala ang galit.
15 Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid,ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip.
16 Ang lumilihis sa daan ng kaalamanay hahantong sa kamatayan.
17 Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman,bagkus sa hirap siya'y masasadlak.
18 Ang masamang balak sa taong matuwiday babalik sa liko ang pag-iisip.
19 Mas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilangkaysa makisama sa asawang madaldal at palaaway.
20 Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan,ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang.
21 Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatanay nagkakamit ng buhay at karangalan.
22 Ang matalinong pinuno ay makakapasok sa lunsod na may mga bantay,at kanyang maiguguho ang inaasahan nilang muog na matibay.
23 Ang pumipigil sa kanyang dilaay umiiwas sa masama.
24 Ang taong makasarili ay palalo at mapang-api.
25 Gutom ang papatay sa taong batugan,pagkat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga kamay.
26 Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw,ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay.
27 Ang handog ng masama ay kasuklam-suklam sa Diyos,lalo't ang layunin nito ay di kalugud-lugod.
28 Ang patotoo ng sinungaling ay di papakinggan,ngunit ang salita ng tapat ay pahahalagahan.
29 Alam ng matuwid ang kanyang hinaharap,di tulad ng masama, nagkukunwa, nagpapanggap.
30 Ang kaalaman ng tao, unawa o karununganay di makatutulong kung si Yahweh ay kalaban.
31 Ang kabayo'y naihahanda para sa digmaan,ngunit tanging si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.