15 Ang kayamanan ng mayama'y matibay niyang tanggulan,ngunit ang kahirapan ng yagit ay kanyang kapahamakan.
16 Ang kinikita ng matuwid ay nagbibigay-buhay,ngunit ang sa masama, winawaldas sa kasamaan.
17 Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay,ngunit ang ayaw sumunod ay tungo sa pagkaligaw.
18 Ang nagtatanim ng poot ay puno ng kasinungalingan,ang naninira sa kanyang kapwa ay isang taong mangmang.
19 Ang taong masalita ay malapit sa pagkakasala,ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang pakilala.
20 Ang dila ng matuwid ay tulad ng pilak na mahalaga,ngunit ang puso ng mangmang ay basura ang kagaya.
21 Ang labi ng matuwid sa marami ay pakinabang,ngunit ang mangmang ay namamatay nang walang karunungan.