6 Ang matuwid ay mag-aani ng pagpapala't kabutihan,ngunit ang bibig ng masama ay nagtatakip ng karahasan.
7 Ang alaala ng matuwid, mananatili kailanman,ngunit pangalan ng masama ay tiyak na mapaparam.
8 Magandang payo'y tinatanggap ng pusong may unawa,ngunit kapahamakan ang wakas ng mangmang na masalita.
9 Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan,ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.
10 Ang malilikot na mata ay lagi sa kaguluhan,at ang bibig na maluwang, hahantong sa kapahamakan.
11 Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay,ngunit labi ng masama ay nagtatakip ng karahasan.
12 Sari-saring kaguluhan ang bunga ng kapootan,ngunit ang pag-ibig ay pumapawi sa lahat ng kasalanan.