1 Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama,ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya.
2 Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan,ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan.
3 Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay,ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan.
4 Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad,ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap.
5 Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan,ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan.
6 Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran,ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay.